MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang ginang nang ito ay pagtatagain ng kanyang adik na mister habang nasuÂgatan ang dalawang anak nito kamakalawa ng gabi sa bayan ng PigcawaÂyan, North Cotabato.
Ang nasawing ginang ay kinilalang si Bainot Islah, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nilalapatan naman sa ospital ang dalawang paslit na anak matapos masugatan.
Agad naaresto ang suspek na si Teng Islah, isang kilalang drug user sa kanilang lugar sa isang follow-up operation ng pulisya kahapon ng umaga.
Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang mag-iina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Simsiman, PigÂcawayan nang bigla na lamang pagtatagain ng machete ng mister at dito ay napuruhan ang ginang.
Bagaman sugatan ay nagawang makatakbo ng dalawang bata na isinugod sa pagamutan ng mga nagmalasakit na mga kapitbahay.