Trike driver dedo sa resbak

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 24-anyos na tricycle driver matapos na barilin sa ulo ng isang lalaki na humarang sa kanyang daraanan habang nagmamaneho kahapon ng madaling-araw sa Brgy.  41, Caridad, Cavite City, Cavite.

Ang nasawi ay nakilalang si Ian Christopher Figueroa, binata, residente ng Brgy.  26, Caridad Cavite City.

Hindi pa kilala ang suspek na agad tumakas nang matiyak na patay ang biktima.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling-araw ay minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle at bumabagtas ang nasabing lugar nang harangin ng suspek at walang sabi-sabing binoga sa ulo.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may nakaaway ang biktima at posibleng niresbakan ito.

 

Show comments