MANILA, Philippines - Muli na namang may nasawi sa umano’y itinuturing na “killer song†ni Frank Sinatra na My Way na tila may sumpa matapos isang laÂlaki ang napatay sa saksak habang inaawit ito sa isang videokebar sa Zamboanga City kamakalawa.
Sa ulat ni Chief InsÂpector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 kinilala ang biktima na si Nonito Bernardo, 47-anyos na namatay noon din dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nasugatan at dinala sa pagamutan ang kaibigan ni Bernardo na si Fernando Aragon, 52-anyos na nagtamo ng sugat sa katawan.
Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Arnel Faustino, 38- anyos.
Sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa loob ng isang videoke house sa Sitio Pagsanjan, Brgy.Calabasa ng lungsod ay nagkakasiyahan ang mga biktima at ang grupo ng suspek nang mag-agawan ang mga ito sa mikropono sa kantang My Way.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo na humantong sa pananaksak sa magkaibigan ng suspek.