MANILA, Philippines - Sabay tumalon sa rooftop ng isang gusali ang isang mag-live in na ikinasawi ng lalaki na naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo GeneÂral Hospital ang biktimang si Jomar Enriquez, ng Riverside Squatters Area, Vitas, Tondo, Maynila. Habang nasa kritikal sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang live-in partner nito na si Rubilyn Teracion, 25.
Sa ulat, bago naganap ang pagtalo ng dalawa sa rooftop ng 4-storey Katuparan Building dakong alas-8:30 ng gabi ay nagkaroon muna ang mga ito ng mainitang pagtatalo dahil sa pambababae ni Enriquez.
Malaki ang hinala ng pulisya na hindi magkasundo ang dalawa sa pinag-aawayan at naghamunan na wakasan na lamang ang kanilang problema sa pagpapakamatay. Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play.