MANILA, Philippines - Agad na umaksyon ang Pasay City Council at ini-recall ang 54.5 billion peso Manila Bay reclamation project na una nang ini-award sa SM Land.
Labis namang ikinatuwa ito ng S&P Construction Technology and Development Company at nagpasalamat sa City Council at kay Mayor Antonino Calixto dahil sa remedial actions upang itama ang mga iregularidad sa selection/bidding process.
Para sa S & P, ang Resolution No. 3059 na nag-recall sa lahat ng resolusyong may kaugnayan sa raw reclamation and horizontal development ng 300 hectares off-shore and in-shore parts sa Manila Bay, ay katunayan na nais ng lokal na pamahalaan ng competitive, transparent at open bidding sa bawat kontrata o proyekto.
Ang resolusyon ng city council ay mahalaÂgang hakbang upang itama ang lahat ng kamaliang ginawa sa proseso.
Umaasa naman ang kumpanya na ikukunsidera ni Mayor Calixto at ng PPP Selection Committee ang pagbalangkas ng bagong proseso sa bidding upang bigyang daan ang iba pang bidder at stakeholders na makasama sa negosasyon.