3 magkaibigan binistay ng bala

MANILA, Philippines - Binistay ng bala ang tatlong  magkaibigan ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan na hinihinalang miyembro ng vigilante group kamakalawa sa  Agdao Public Market, Brgy. Wilfredo Aquino, Davao City.

Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Calye, Michael Igan at isang alyas Junjun; pawang nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:40 ng gabi habang nakaupo ang mga biktima sa harapan ng nasabing palengke  ay bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima at pagkatapos ay nagsitakas.

Narekober naman ng mga otoridad sa crime scene ang 15 basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments