2 Sanggol dinukot sa Marikina

MANILA, Philippines - Mistulang holdap ang ginawa ng tatlong suspek sa isang ginang na bagong labas sa ospital nang tutukan ng baril at puwersa­hang agawin  ang bagong silang na sanggol na kanyang karga habang nag-aabang ng masasakyan sa Brgy. Nangka,Marikina City.

Sa salaysay ng biktima na nagpatago sa pa­ngalang Jovelyn, dakong alas-2:00 ng hapon noong Huwebes ay kalalabas lang niya sa isang lying in clinic matapos na magsilang ng sanggol ng babae.

Habang nag-aabang nang masasakyan  ay huminto sa kanyang harapan ang isang Toyota Innova na kulay puti at dito ay lumabas ang dalawang lalaki at isang babae at  sapilitang inagaw sa kanya ang sanggol.

Walang nagawa ang ginang sa takot na barilin at mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ganito rin ang nangyari kay Rachel Balaro, 28, Barangay Malanday  nang biglang nawala sa kanyang tabi ang anak na si Sophia dakong alas-3:00 ng madaling-araw.

Agad na itinuro ni Balaro ang kapitbahay na isang alyas ‘Lotlot’ na  tumangay sa kanyang anak.

 

Show comments