Pulis minartilyo ng rapist

MANILA, Philippines - Martilyo sa ulo ang inabot ng isang rumespondeng pulis nang tangkain nitong arestuhin ang isang lalaki na tangkaing halayin ang isang ginang kamakalawa sa San Andres, Bukid, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si SPO2 Gil Gabuya, ng Manila Police District-Station 6, habang ang suspek na nasa kritikal na kondisyon sa Ospital ng Maynila dahil sa tama ng bala sa kaliwang pisngi ay nakila­lang si  Danilo Panganiban, 45, parking attendant, at residente ng 1760 Estrada St., San Andres, Bukid.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga noong Linggo nang respondehan ng biktima ang isang ginang na tinangkang gahasain ni Panganiban.

Kaya’t pinuntahan ng biktima ang bahay ng suspek upang arestuhin, subalit nasorpresa ito nang salubu­ngin siya ng hataw na martilyo sa ulo.

Kahit medyo nahihilo ay nagawa nitong bunutin ang baril at pinaputukan ang suspek na tinamaan sa kaliwang pisngi.

Show comments