Patay na sanggol itinapon

 MANILA, Philippines - Pinaniniwalaan na walang pampalibing kung kaya’t itinapon na lamang ang patay na bagong silang na sanggol sa kalye kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-9:10 ng umaga nang busisiin ang isang kahon na nasa gilid ng kalsada at lumantad ang lalaking sanggol na nakabalot sa lampin sa panulukan ng Pena at Tuazon Sts., sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Patuloy ang imbestigasyon upang mabatid kung sino ang responsable sa pagtatapon ng sanggol, na may nakakabit pa ang pusod.

Show comments