Matapos sampahan ng kaso sa PDAF scam Biazon nagbitiw bilang BOC chief

MANILA, Philippines - Nagbitiw kahapon sa kanyang puwesto si Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon, tatlong araw matapos na makasama sa 34 na personalidad na sinampahan kaso  ng DOJ sa multi-billion pisong pork barrel scam sa Ombudsman.

 â€œI resign in order to prevent exploitation of the controversy by parties who would like nothing better but to have an issue to throw against the Aquino administration,” wika ni Biazon.

Nagbitiw din si Biazon para protektahan ang kanyang pamilya.

Si Biazon, ay miyem­bro ng Liberal Party, na kauna-unahang party mate ni Pangulong Benigno Aquino III na isinangkot sa pork barrel scam.

Noong Hulyo ay nagbitiw na si Biazon sa puwesto matapos na batikusin ang ahensiya ng umano’y pagiging walang silbi at laganap ang katiwalian noong ika-4 State of the Nation Address. Hindi naman tinanggap ni Pangulong Aquino ang kanyang pagbibitiw.

Iginiit din ni Biazon na ang dahilan din nang pagbibitiw ay upang protektahan si Pangulong Aquino sa mga kritiko na magsasabing hinahayaan pa siyang manatili sa puwesto.
   Medyo may pasaring pa si Biazon nang sabihin nito na,  bilang  customs commissioner, tungkulin niya lamang na ipatupad ang reporma subalit, anumang rekomendasyon ay hindi naman umano aprubado sa kaniyang ‘higher office’.
Nais niya ring linawin na mas naisip niyang mag-resign upang maiiwas din siya sa stress at maging ang kaniyang pamilya na maaring maapektuhan .

Gayunman, isang transition period umano ang isasagawa bago siya tuluyang bumaba sa puwesto. Si Biazon, ay dating Muntinlupa congressman na umano ay nakatanggap ng kickback P1.95 milyon sa kanyang pork barrel.

Show comments