OFW ginapos, binigti ng ‘akyat bahay’

MANILA, Philippines - Pinatay sa bigti ang isang overseas Filipino worker  na nakagapos ang mga kamay at paa sa loob ng kanyang silid kamakalawa ng gabi sa Brgy. na Panapaan 8, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Manuel Gorospe, 56, civil engineer, residente ng Blk. 2, Lot 8, Phase 3A, Bakawan St., Brgy. Panapaan 8 ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas 8:45 ng gabi nang madiskub­re ng pamangkin na si Marbie Medina ang biktima na walang buhay na nakagapos ang mga kamay at paa habang nakapulupot sa leeg nito ang alambre na ginamit sa pagbigti dito.

Nawawala ang mga pera at mamahaling cell phone ng biktima na pinaniniwalaang pinasok ng mga magnanakaw.

Show comments