MANILA, Philippines - Tinawag ni Senator Juan Ponce Enrile si Senator Miriam Defensor-Santiago na “my bitter and obsessive haterâ€.
Bagama’t hindi tahasang pinangalanan ni Enrile si Santiago sa unang bahagi ng 30-minutong talumpati ay maliwanag na ang senadora ang tinutukoy nito nang isa-isang sagutin ang mga paratang sa kanya.
Sinabi ni Enrile na malapit na siyang magretiro sa pulitika at katungkulan niyang sagutin ang mga akusasyon at kasinungalingang ibinato laban sa kanya.
Bagaman anya ay ayaw niyang i-dignify sa pamamagitan ng pagsagot ang mga kasinungalingang nagmula sa “hallucinated imaginings of a spiteful and bitterly hostile mindâ€, kinakailangan niyang magsalita para sa katotohanan.
Sa paratang na isang murderous ay sinabi ni Enrile na kahit kailan ay wala siyang pinatay na tao, bagaman at nakipaglaban siya noong World War II ay hindi naman niya alam kung may tinamaan siya sa kanyang mga nakalaban.
Itinanggi rin ni Enrile na nagdadala ng mahabang baril ang kanyang mga bodyguard kapag nagtutungo siya sa restroom na kabilang sa mga naging akusasyon sa kanya ni Santiago.
Sa akusasyon na siya ang mastermind ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, sinabi ni Enrile na isa lamang “insane and bitterly hostile mind†ang maaring mag-akusa ng nasabing kasinuÂngalingan at sasagutin niya ito sa tamang panahon at sa tamang forum.
Maging ang akusasyon ni Santiago na siya ang nagbigay ng pondo kay Nur Misuari para salakayin ang Zamboanga City ay itinanggi nito.
Malaki ang hinala ni Enrile, nag-ugat ang galit sa kanya ni Santiago matapos niyang kontrahin ang kumpirmasyon nito bilang Secretary of Agrarian Reform noong panahon ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Ang isa pa umanong ugat ng galit ni Santiago ay noong tumanggi si Enrile na isama ito sa majority bloc noong mahalal siyang Senate President noong Nobyembre 2008 at Hulyo 2010.