Int’l jury magbibigay ng choral workshops

MANILA, Philippines - Ang mga batikang choral conductors na sina Kirby Shaw ng Amerika at Jonathan Velasco ng Pilipinas ang mangunguna sa international jury para sa Sing N Joy Manila 2013, na gaganapin sa Aliw at Star Theaters mula ika-11 ng Disyembre sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Interkultur Germany, at ng Philippine Choral Directors Association.

Kasama nila sina Chau Anh Dang ng Vietnam, Tommyanto Kandisaputra ng Indonesia, Ko Moe Naing ng Myanmar, at Beverly Shangkuan-Cheng.

Nasa 45 choirs mula sa iba’t ibang lugar ng ASEAN ang maglalaban sa mixed chorus, musica sacra, folkloric, pop-jazz, gospel-spiritual, at youth categories ng Sing N Joy Manila, kung saan makakakuha rin ng international ratings ang mga kasali.

May nakalaan na USD5,000  ang magwawagi ng Grand Prix, bukod sa mga gold, silver, at bronze certificates na ipamamahagi sa bawat kategorya. Para sa karagdagan detalye, maaring kontakin ang numerong  09322875550.

Show comments