MANILA, Philippines -Ginipit umano kamakailan ni Isabela, Santiago City Mayor Joseph Salvador ang lehitimong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Bingo Milyonaryo outlets sa Centro East kaya’t malaki ang magiging epekto sa charity works ng PCSO partikular sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.
Sinabi ni PCSO GeÂneral Manager Jose Ferdinand Rojas II na ilegal ang ginawang utos ni Mayor Tan sa pulisya ng ipasaÂlakay, ipasara at gipitin ang Bingo Milyonaryo outlet sa Santiago City nitong Nov. 14.
Ayon naman kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na anuman ang hakbang ng PCSO na gagawin ay suportado ng Palasyo dahil ang PCSO ay nasa ilalim ng Office of the President.
Wika pa ni Sec. Coloma, anumang pang-aabuso sa katungkulan ninuman kahit na ito ay isang local government executive ay hindi papalampasin ng gobyerno at kailangang harapin nito ang anumang karampatang kaso at parusa.
Ipinaalala ni GM Rojas kay Mayor Tan na hindi na kailangang kumuha ng mayor’s permit ang Bingo Milyonaryo outlet dahil sila ay lehitimong outlet dealer ng PCSO.
Wika pa ni Rojas, dahil illegal ang ginawang raid ng pulisya dahil sa utos ni Mayor Tan ay puwede silang kasuhan ng criminal at administratibo dahil ang PCSO na ang lumalabas na kanilang kinakalaban dito na isang national agency na nasa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Idinagdag pa ni Rojas, sa ganitong panahon kung saan ay nakaharap sa krisis ang bansa dahil sa dinanas na matinding bagyo sa Samar at Leyte ay mahalaga ang bawat sentimo na kinikita ng mga PCSO outlets dahil ginagamit ito sa relief at rehabilitation effort upang mabilis na makabangon ang mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Atty. Freniza Joy Cacatian-Barangan, abogado ni Michelle Martinez na area 4 authorized retailer supervisor ng Bingo Milyonaryo, sinampahan nila ng kasong robbery with force at intimidation ang miyembro ng PNP-Santiago City matapos salakayin at kumpiskahin ang Bingo Milyonaryo cell machines at cell phones sa Centro East, Santiago City.
Nakiusap naman si Supt. Zaidee Daculug, hepe ng pulisya ng Santiago City na huwag na silang idemanda dahil sumunod lamang umano sila sa utos ni Mayor Tan.