2 kawani ng LBC kritikal sa holdap

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang dalawang kawani ng LBC Main Office matapos na holdapin at pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Barangay Old Cabalan, Olongapo City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Reynaldo Francisco, 35, messenger, ng San Juan, Sta. Rita, Pampanga at Roberto Alejos Jr, 35, ng Botolan, Zambales.

Sa ulat, ganap na alas-7:45 ng umaga ay magbubukas pa lamang ang dalawang biktima nang sundan ito ng mga suspek at nagdeklara ng holdap.



Hindi na pumalag ang dalawang biktima nang tanga­yin ang P83,927.50, subalit sa pagtakas ng mga suspek ay pinagbabaril sila.

Show comments