Abad pwedeng kasuhan ng contempt - SC justice

MANILA, Philippines - Maaaring patawan ng parusa sa kasong contempt si Budget and Management Secretary Butch Abad.

Ito ang tahasang sinabi ni  Supreme Court Associate Justice Arturo ­Brion dahil sa pagbaliwala o paglabag sa ipinalabas na temporary restraining order sa kinukuwestiyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na maituturing na ‘consti­tutionally anomalous’  na tinamasa ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Nakasaad rin sa 20-pahinang Separate Concurring and Dissenting Opinion ni Justice  Brion, na nagsimula ang iregularidad sa paggamit ng pork barrel nang payagan ng Kongreso  ang Pa­ngulo na gamitin ang buo o lump sum na pork barrel nang walang nagaganap na congressional scrutiny.

Ipinunto pa ni Brion na mistulang isinurender ng Kongreso ang budgeting prerogatives sa Punong Ehekutibo habang ipinagkaloob din ang share nito sa kasaluku­yang pork barrel system.

Inamin din ng mahistrado na  pinaboran din niya ang pag- “strike down” sa  â€œenergy” component  ng  Section 8, President Decree No. 910 o ang Malampaya Fund noong kapanahunan ni dating pangulong Marcos lalo pa at discretionary lump sum fund ito.

Hindi nakalusot sa mahistrado  ang DBM Circular Letter na pinalabas ni Abad noong September. 27, 2013, na nagbibigay pahintulot sa mga implementing agencies na ipagpatuloy ang implementasyon ng PDAF pro­jects.

 

Show comments