Shabu at matataas na kalibre ng baril nakumpiska ng NBI

MANILA, Philippines - Nakumpiska  ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang milyong halaga ng shabu at iba’t ibang klase ng mga matataas na kalibre ng baril sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni Atty. Ross Jonathan Galicia-team leader ng Raid Reaction Arrest Interdiction Division ng NBI, nakumpiska nila ang mga shabu at marijuana bukod pa ang mga iba’t ibang klase ng baril sa bahay ng mga suspek na sina Jeffrey Villanueva at Gloria Pementera sa Simoun kanto ng Prudencio St., Sampaloc, Maynila. Habang nakatakas ang iba pa.

Patuloy pa ang imbentaryo ng NBI sa bahay dahil may nakita pa silang mga tanim na marijuana plastic sa paso.

 

Show comments