MANILA, Philippines - Nagbigay ang Hari ng Saudi Arabia sa mga Pinoy ng US$10 milyon tulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), iniutos ni Saudi King Abdullah bin Abdul Aziz, Custodian ng Two Holy Mosques, ang pagpapalabas ng $10 milyong dolyares na donasyon para sa relief at rehabilitasyong isinasagawa ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa report ni Ambassador Ezzedin Tago ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, nakatanggap siya ng tawag mula sa Saudi Minister of Finance at ipinagbibigay-alam ang naturang donasyon at tinanong na rin ang proÂseso kung paano maipapasa ang naturang financial aid sa PH goÂvernment.
Agad namang nagpaÂsalamat si Tago sa kabutihang loob at pagiging likas na matulungin ng Hari ng Saudi para sa biktima ng bagyo.