Lolo, sinalpok ng jeep, tigok

MANILA, Philippines - Isang 72-anyos na lolo ang nasawi matapos salpukin ng isang pampasaherong jeep kahapon ng umaga  sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Virgilio De Jesus, ng PNR Compound, Caloocan City.

Nakakulong na sa selda si Hannibal Basilio Jr., nasa hustong gulang, driver ng jeep na may plakang TXL-924 ng Louis Compound, Barangay Malinta, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Cezar Madlangsakay, ng Caloocan City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa Samson Road ng naturang lungsod.

Tumatawid ang biktima sa kalsada nang salpukin ng jeep at tumilapon ito na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Show comments