MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang dalawang katao matapos mahuli na ibiÂnebenta ng mga ito ang mga relief goods na ninakaw nila sa bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang operasyon sa Bagsakan Center, Brgy. Recodo, Zamboanga City.
Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Ayang Saidula, 33; at Nayma Sahibul Abas, 23, pawang mga residente sa lugar.
Batay sa ulat, bandang alas-9:25 ng umaga nang masakote sa Bagsakan Center ng lungsod habang illegal na ibinebenta ang mga samut-saring naka-repack na mga relief goods.
Nasamsam mula sa mga ito ang kahon-kahon na sardinas, corned beer, carne norte at iba pa.
Ang nasabing mga relief goods ay nakalaan sa mga evacuees na biktima ng 20 araw na siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong nakalipas na Setyembre na nanatili pa sa mga evacuaÂtion center ng lungsod.
Sa interogasyon sa himpilan ng Zamboanga City Police, sinabi ng mga suspek na ang nasabing mga relief goods ay nabili nila sa mga Badjao sa Brgy. Sinunuc ng lungsod sa murang halaga.