MANILA, Philippines - Hinamon ni Justice Secretary Leila De Lima ang mga opisyal at ahente ng National Bureau of Investigation sa kanilang ika-77 anibersaryo na aresÂtuhin ang tinaguriang “The Big 5†na kinabibilangan ng magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes, utol nitong si Coron Mayor Mario Reyes, dating Maj. Gen. Jovito Palparan, Globe Asiatique Developer Delfin Lee at dating Dinagat Congressman Ruben Ecleo.
Kasama rin sa pinaaresto sina dating Police Supt. Cesar Mancao at Reynald Lim, kapatid at kapwa akusado ni Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pangunahing whistleblower sa pork barrel scam na si Benhur Luy.
Bagama’t hindi umaÂno maitatanggi ang maÂlalaking kaso na inimÂbestigahan ng NBI na dahilan kaya nanumbalik ang respeto at paghanga ng publiko sa ahensya.