MANILA, Philippines - Umaabot sa 20 katao ang nasugatan nang mahulog sa isang tulay sa Brgy. Magosilum, Cantilan, Surigao del Sur kamakalawa.
Batay sa ulat, bandang alas- 5:00 ng hapon nang mangyari ang pagkawasak ng tulay na gawa sa lumang kahoy sa nasabing lugar.
Nabatid na kasalukuÂyang tumatawid ang mga biktima na makikipagliÂbing patungo sa Cantilan cemetery nang bumigay ang tulay dahilan sa marupok na ito.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang pinagsanib na elemento ng PNP Maritime Group at Cantilan Police sa mga taong nahulog sa ilog.