2 anak inihagis sa ilog, tatay nagpakamatay

MANILA, Philippines - I dinamay ng isang tatay sa kanyang pagpapakamatay ang dalawa nitong anak nang kanya itong ihagis sa ilog at pagkatapos ay tumalon naman siya naganap sa Lingayen, Pangasinan kamakalawa.

Ang mag-aamang nasawi ay nakilalang sina Efren Sison, 42; John Dave, 11; at Dave, 10; pawang residente ng Brgy. Maniboc, Lingayen.

Batay sa ulat, bago inihagis ni Efren ang da­lawang anak dakong alas-11:30 ng umaga sa ilog sa gilid ng Baay Bridge ay una nitong itangkang ibangga ang minamanehong tricycle sa isang van, subalit hindi nangyari dahil sa paparating na motorsiklo.

Sa galit ni Efren ay bumaba ito sa minamanehong tricycle at kinaladkad ang dalawang anak patungo sa nasabing tulay at laking gulat ng mga nakakita nang hawakan ang dalawang anak sa kamay at inihagis sa ilog.

Nagkakawag ang da­lawang bata na tuluyang nilamon ng ilog at ilang sandali pa ay sumunod namang tumalon ang ama at nalunod din.

Makalipas ang ilang oras ay naiahon ng mga nagrespondeng search and rescue teams ang bangkay ng mag-aama na may 10 metro ang layo mula sa nasabing tulay.

Ang matinding de­pres­yon sa kahirapan umano sa buhay ang motibo nang pagpapatiwakal ng ama na dinamay ang dalawang anak.

 

Show comments