MANILA, Philippines -Pinagtulungang gulpihin ng apat na katao ang isang 16-anyos na binatilyo at pagkatapos ay binaril matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Christian Tecson, ng 1768 Simon St., Samplaoc, Maynila.
Ang mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang sina Jeremy John Reyes, 20 ng 1035 C. Antipolo St., Tondo; Doods Cortez, 20 ng 1035 Int. 10 Antipolo St., Tondo; isang Hector Salazar at isang alias Bernok.
Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-6:15 ng gabi sa New Antipolo St., Tondo, Maynila ay nakasagutan ng biktima ang nobya ng suspek na si Reyes.
Umalis ang babae at nagsumbong kay Reyes na noon ay nakikipag-inuÂman sa kanyang tropa na siya ay binu-bully ng biktima.
Kaagad na tumayo ang mga suspek at kanilang kinompronta at gulpihin ang biktima at pagkatapos ay binaril nila ito.
Nang bumulagta ang biktima ay isa-isang nagpulasan ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital, subalit namatay din ito.