Lolo nagbigti

MANILA, Philippines - Nakabigti at wala ng buhay nang datnan ng kanyang mga kaanak ang isang 63 anyos na lolo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Marlon Dela Vega, may-hawak ng kaso, ang biktima na si Buenaventura Roldan.

Iniwan umanong mag-isa sa bahay ang biktima ng kanyang anak na si Christopher Roldan, 30 at Jihl Corpuz, 37, na nagpunta sa simenteryo.

Pagbalik ng dalawa, ganap na alas-7:00 ng gabi ay  nadatnan na lang nila ang matanda na na­kabigti sa hagdanan.

Agad na kinalag ng dalawa ang biktima mula sa pagkakabigti nito saka sinubukang i-revive ito pero huli na ang lahat.

Hindi pa batid ng pulis­ya at pamilya ng biktima ang dahilan ng pagpapakamatay ng matanda.

Show comments