Tserman hinaras ng NPA rebels

MANILA, Philippines - Nilusob ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bahay ng isang brgy. chairman at dito ay hinaras at niransak kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dugsangon, Bacuag, Surigao del Norte.

Batay sa ulat, bandang alas- 7:00 ng gabi nang lusubin ng 40 armadong rebelde ang bahay ni Brgy. Chairman Lovelle Gingo at ilan sa mga ito ay pumasok habang ang iba ay pumalibot naman sa trangkahan.

Agad na tinutukan ng  baril ng mga rebelde si Gingo at pilit na ipinalalabas ang mga umano’y mga nakatago nitong armas saka naghalughog sa bahay.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang pangha-harass ng mga rebelde bago nagsitakas tangay ang  isang cal 9MM pistol ARMSCOR na iniregalo ni Bacuag Mayor Shela Mae Cebedo.

 

Show comments