MANILA, Philippines - Nasa P29,709M ang pinsalang iniwan ng bagyong Vinta habang isang katao ang nawawala nang manalasa ito sa Northern Luzon.
Batay sa ulat ni National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na patuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang mangingisda sa Brgy. Quidaoen, San Juan, Abra.
Ang bagyong Vinta ay nakaapekto sa may 418 pamilya o katumbas na 1,837 katao sa may 64 barangay sa 15 bayan at isang lungsod sa tatlong lalawigan ng Ilocos Region at Cagayan Valley.
Nasa 116 pamilya naman o kabuuang 391 katao ang nananatili sa limang evacuation centers matapos na maapektuhan ng bagyong Vinta.