MANILA, Philippines - Mahigit tatlong oras matapos sunduin sa bahay ay natagpuang patay ang isang 33-anyos na lalaki na miyembro ng Batang City Jail kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si Richard Burden, may-asawa, ng no. 652 Block 1 Gasangan, Baseco Compound, Tondo, Maynila.
Nang suriin ang bangkay ng biktima ay nakita na may nakabusal sa bibig nito na pajama na kulay pink, nakagapos ang mga kamay ng electrical cord, may tatlong tama ng saksak sa tiyan at tama ng bala sa katawan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maÂdiskubre ang bangkay ng biktima ng isang Doddy Boy Roncales na agad ipinabatid sa barangay.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang sunduin ang biktima ng hindi pa kilalang lalaki sa bahay nito.