MANILA, Philippines -Hindi matanggap ng isang KoreaÂnong negosyante ang magkakasunod na pagkalugi sa negosyo kung kaya’t nagpasya itong mag-harakiri sa Quezon City.
Ang biktima na idiÂneklarang dead on arrival sa ospital dahil sa tinamong saksak sa leeg at sikmura ay kinilaÂlang si Kwan Su Park, alyas Anthony Park, 41, may-asawa, company exeÂcutive officer ng First Standard Trading Inc, (FSTI), Korean national at residente sa no. 180-C Calamba St., Talayan Village, Brgy. Talayan sa lungsod.
Batay sa ulat, bago natagpuan ang biktima na duguan sa banyo ay kausap nito sa telepono ang kasosyo na si Jet Ruiz na magkita sa kanilang tanggapan sa FSTI na nasa no. 249 Roosevelt Avenue, Brgy. San Antonio para mag-usap.
Nang dumating si Ruiz sa FSTI para sa meeting ay naabutan niya si Kang at kinausap na hanapin si Park.
Hinanap ni Kang ang biktima at nang pinuntaÂhan ang banyo ay sarado.
Paulit-ulit na kinatok ni Kang ang pinto pero walang sumasagot kaya’t pinuwersa nilang buksan ito at tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima.
Agad na humingi ng tulong si Kang sa kanyang mga ka-opisina at itinakbo ang biktima sa St. Agnes General Hospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Nang tignan ng pulisya ang mga footage ng closed circuit television (CCTV) mula sa diÂning room ay nakita ang biktima na kumuha ng kitchen knife at nagtuloy sa banyo.
Base sa pahayag ng isang staff, bentahan ng second hand na sasakyan ang negosyo ng biktima, subalit nalulugi na umano ito.