Live-in partner todas sa ‘helmet gang’

MANILA, Philippines - Todas ang mag-live-in partner makaraang pagbabarilin ng apat na miyembro ng ‘helmet gang’ sa Quezon City  kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Rodora Go-Alaba, 36, trader at ang live-in-partner nito nakilala pa lamang sa alyas Jigs, na pawang  nakatira  sa No. 129 Meton St., Itaas, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ang dalawa ay kapwa napatay sa loob ng Mitsubishi Lancer  dahil sa tinamong mga  tama ng bala sa kanilang katawan.

Nabatid mula kay SPO1 Alejandro Camacho, desk officer ng Batasan Police Station 6, dakong alas -7:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa tapat  ng bahay ng mga biktima.

Pababa na ng sasakyan ang dalawa ng sumulpot ang apat na armadong lalaki na pawang naka-helmet at pagbabarilin ang mga biktima.

Nang makitang duguang bumulagta ang dalawa ay mabilis na tumakas ang mga salarin sakay sa dalawang motorsiklo na hindi na plakahan.

 

Show comments