MANILA, Philippines - Labis umanong dinamdam ng isang mister ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis kaya nagpasya na lamang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa loob mg kanilang bahay sa Brgy. Pulong Bunga, Silang Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Norberto Lancega, 31-anyos, residente ng purok 3 Brgy. Pulong Bunga, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Angelo Palanca, may hawak ng kaso, ang pagpapakamatay ng biktima ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga ng sa loob ng bahay nito.
Ayon sa report, bago ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng misis nito na si Belinda Anarna Lanceta.
Nauwi umano sa hiwalayan ang pag-aaway ng mag-asawa na labis namang dinamdam ng biktima kaya naisipan nitong magpatiwakal.