Opisyal ng AFP pinaaaresto sa Jonas Burgos case

MANILA, Philippines -Pinaaaresto ng QC Court si Major Harry Baliaga Jr., ng Armed Forces of the Philippines kaugnay ng kasong  arbitrary detention na naisampa laban sa kanya kaugnay nang pagkawala ng  political activist na si  Jonas Burgos noong  2007.

Pinayagan naman ng korte na makapaglagak ng piyansa si Baliaga ng halagang P40,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Bukod kay Baliaga, akusado rin sina dating  AFP chief of staff Hermogenes Esperon, dating Army chief Lt. Gen. Romeo Tolentino, Lt. Gen. Alexander Yano, at dating PNP chief Avelino Razon dahil sa kasong obstruction of justice at Colonel Melquiades Feliciano at Colonel Eduardo Año.

Show comments