50 bahay naabo sa sunog

MANILA, Philippines - Nasa 50 kabahayan ang nasunog dahil sa napaba­yaang niluluto kahapon ng umaga sa Malabon City.

Sa ulat ng Malabon City Bureau of Fire, dakong alas-9:00 ng umaga nang bigla na lamang umapoy ang  bahay ng mag-asawang Wilma at Wilfredo sa Arasiti Village, Barangay Tenajeros ng nasabing lungsod dahil sa napabayaang niluluto.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan dahil sa dikit-dikit at gawa sa light mate­rials hanggang sa magputukan ang mga tangke ng LPG.

Halos tatlong oras ang naganap na sunog bago ito naapula ng mga bumbero na umabot sa  ikalawang alarma.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog na kung saan ay nawalan ng bahay ang may 100 pamilya.

Show comments