MANILA, Philippines - Tinangay ng tatlong holdaper ang P10M na pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na bahagi ng proyekto ni Pangulong Benigno Aquino III para sa maralitang komunidad at mga biktima ng kalamidad kamakalawa sa Pagbilao, Quezon.
Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap sa Valmyns Eatery sa kahabaan ng Maharlika Highway, Sitio Polong Guiting, Brgy.Silangang Malicboy, Pagbilao ng lalawigan.
Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen hinggil sa naganap na pagnanakaw sa mga empleyado ng Philpost Regional Office sa San Pablo City na siyang may hawak ng nasabing halaga para sa 4Ps.
Nabatid na kasalukuyang kumakain ng pananghalian sa nasabing restaurant ang mga empleyado ng Philpost sa pamumuno ng team leaÂder na si Odith Jaurique Cadano, 53; Geraldine Fabila, 44; Patrick James Gesulga Putungan, 32 at Brian Dizon.
Matapos mananghalian ay bumalik na sa kanilang behikulo na isang Starex van (WFC 753) nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan at magdeklara ng holdap.
Matapos na tutukan ng baril ng mga holdaper ay puwersahang kinuha ang susi sa driver pero nagmatigas si Dizon kaya pinagbabaril ito ng ilang beses sa paa.
Isa sa mga suspek ang nag-komander sa behikulo at iniharang ito sa gitna ng daan bunsod upang magÂkabuholbuhol ang daloy ng trapiko sa lugar kung saan mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang isang bag at kulay asul na sako na naglalaman ng P10M pondo sa 4Ps.
Sumakay ng motorsiklo ang mga suspek na mabilis na tumalilis sa lugar patungo sa hindi pa malamang destinasyon.