Kolumnista itinumba

MANILA, Philippines - Isang kolumnista sa dyaryo ang pinagbabaril habang nakaupo sa harap ng kanyang bahay sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Danilo Onanad, ng Pahayagang Pinoy at dating Manager ng isang comedy bar ng Block 5 Extension, Baseco compound, Port Area, Manila sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay nakaupo sa harapan ng bahay ng biktima nang lapitan ng suspek at dalawang  ulit na pinaputukan.

Patuloy ang imbestigasyon kung ang motibo ng pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa trabaho nito bilang mamamahayag.

Show comments