Transport strike ikinasa na

MANILA, Philippines - Isang malawakang kilos protesta ang ikinasa sa Oktubre 17 sa isasagawang transport group para kondenahin ang mataas na halaga ng produktong petrolyo.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsu­per at Operators Na­­tionwide (PISTON) George San Mateo, national president na  dapat ay bumaba ang presyo ng langis sa world market dahil sa krisis.

Kaya malinaw anya na overpricing at panloloko ang oil price hike kaya dapat anyang ipaliwanag ng Depatment of Energy  kung bakit mataas ang presyo ng petrolyo sa halip na rollbak ang gawin.

Sinabi ni San Mateo na kapag natuloy ang isa pang taas sa presyo ng diesel sa Metro Manila na aabutin ng 50 sentimos kada litro ay aabot na sa P43.75 kada litro ang halaga ng diesel kada litro  habang ang gasolina ay aakyat sa P53.15 kada litro.

Show comments