CJ Sereno: Judiciary isailalim sa lifestyle check

MANILA, Philippines - Hiniling ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na isailalim sa lifestyle check ang hanay ng hudikatura kasunod ng isyu ng katiwalian na inuugnay sa isang “Ma’am Arlene”.

Sa press statement ni Sereno na binasa ni Atty. Theodore Te, hepe ng SC-Public Information Office, hiningi ni Sereno ang tulong ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa ito ay  mayroong technical capability at legal na mandato para magsagawa ng lifestyle check sa mga miyembro ng hudikatura at mga kawani ng hukuman.

Hindi naman mabigyan ng linaw ni Te kung lahat ba ng mga miyembro ng hudikatura ang isasa­ilalim sa lifestyle check o iyon lamang mga kasali sa kontrobersyal na eleksyon ng Philippine Judges Association o PJA.

Ang pakikipag-ug­na­­yan ni Sereno sa Om­buds­man ay kasabay ng pagtang­gap nito sa alok na tulong ni Justice Secre­tary Leila de Lima para magsagawa ang NBI ng parallel investigaton tungkol sa isyu ng taong nag­ngangalang Ma’am Arlene na sinasabing maimpluwensya sa mga hukom at mahistrado ng Court of Appeals.

 

Show comments