MANILA, Philippines - Apat na lalaki ang nagpakamatay sa iba’t ibang kaÂparaanan sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila, Parañaque City at Cavite.
Sa Maynila, isang 29-anyos na lalaki na kiniÂlaÂlang si Dionisio Vergara, house painter, ng Ususan Extension, Calamba City, Laguna ang tumaÂlon mula sa hagdanan ng light rail transit (LRT)
United Nation Station kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Sa salaysay ng isang sekyu sa pulisya na naÂkita na lang na nasa ibaÂba na ng sementadong
kalsada at duguan ang ulo ng biktima.
Walang suot na pang-itaas at wala rin sapin sa paa ang biktima kaya’t pinaniniwalaang wala sa tamang kondisyon ang pag-iisip nito.
Uminom naman ng lason sa garapata ang 37-anyos na seaman na nakilalang si Bayani Jade Resos, ng Quezon St., Don Bosco, Tondo, Maynila sa loob ng Sogo Hotel, Cartimar Building, CM Recto Avenue, Quiapo, Maynila.
Batay sa ulat, kinatok ng room attendant ang kuwarto ng biktima dahil sa tapos na ang 6 oras na binayarang pagcheck-in kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon, subalit hindi sumasagot kaya’t napilitan na buksan ang kuwarto at dito ay tumambad na hindi gumagalaw at bumubula ang bibig nito.
Nakuha sa tabi ng biktima ang isang transpaÂrent plastic bottle na may
tira pang powdered chemical na ginagamit sa pagpatay ng mga grapata ng aso, at residue nasa baso na hinihinalang tiÂÂnunaw bago ininom.
Narekober lamang sa biktima ang kaniyang cell phone at wallet na may
calling cards.
Labis na pagdaramdam matapos na pagalitan ng kapatid ang dahilan nang pagbibigti ng biktimang si Tarquin Mamaril, 57, jobless, ng Choco St., Barangay BF, Parañaque City kahapon ng alas-9:00 ng umaga.
Sa pahayag ng kapaÂtid ng biktima na si ElÂpidio Jr. sa pulisya na sandaling iniwan muna niya ang kapatid dahil may pinuntahan ito, suÂbaÂlit pagbalik niya sa kanilang bahay ay tuÂmambad sa kanya ang wala ng buhay na kapatid na nakabigti.
Ayon pa kay Elpidio Jr., na may personal na problema ang kapatid matapos itong pagalitan ng kanilang kapatid na babae na posibleng labis nitong dinamdam.
Nagbigti rin ang bikÂtimang si Joselito JalÂmanzar alyas Totoy, 26, ng Block 89, Lot 12, Brgy. Ipil-II, Silang, Cavite maÂtapos na makatalo nito ang live-in partner dahil lang sa pag-half day nito sa trabaho.