Meralco magbababa ng singil

MANILA, Philippines - Magbababa ng si­ngil sa kuryente ang Mani­la Electric Company (Me­ralco) ngayong buwan ng Oktubre ng 54 sentimos kada kWh o P108 na pagbaba para sa mga tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Anya ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod na rin nang downward adjustment o pagbaba ng ge­neration charge at iba pang components ng electricity bills.

Nabatid na ang generation charge ay bumaba ng 49 sentimos per kWh o
Php 4.68 per kWh mula sa dating Php 5.17. 

Ito na umano ang lowest level na naabot ng generation charge sa nakalipas na tatlong taon o mula Oktubre 2010.

Ang pagbaba ng ge­ne­ration charge ay dulot ng PhP 8.99 per kWh reduction sa halaga ng kur­yente na mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil na rin sa higher availability ng hydroelectric plants at ang pagtatapos ng Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) collection ng National Power Corporation (NPC).

 

Show comments