Anak ni Napoles kinasuhan ng tax evasion

MANILA, Philippines- Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR)ng tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang anak ng  tinaguriang  P10 bilyon pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles na si Jeane Catherine.

Sa  dokumento na inihain sa DOJ, walang idineklarang kita ang anak ni Napoles sa mga taong 2011 at 2012 na kung saan ay umaabot sa P32.06 milyon ang tax liability ni Jeane kasama na ang interes at surcharge.

Nabatid na nakapag-acquire ng ilang ari-arian si Jeane kabilang ang biniling condominium unit sa Los Angeles, California noong 2011 na nagkakahalaga ng P54.73 milyon.

Nakakuha rin umano ito ng 1.9 share sa Bayambang, Pangasinan property na binili noong 2012 sa halagang P1.49 milyon.
Bukod sa kawalan ng Income Tax Return (ITR), wala ring rekord si Jeane na nagsasabing tumanggap ito ng mamahaling ari-arian bilang regalo na kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang mga litrato ng kotse, bag at iba pang gamit ni Jeane. Nagmamay-ari rin umano ito ng isang unit sa Ritz-Carlton Residen­ces na condominium hotel ng mga celebrity sa Ame­rika.

Una nang kinasuhan ng BIR ng tax evasion ang mga magulang nito.

Posible pang madagdagan ang kaso ni Jeane at iba pang miyembro ng pamilya Napoles dahil nagpapatuloy ang imbes­tigasyon ng BIR sa mga ito.

Show comments