MANILA, Philippines - Isang pagtitipon o water summit ang pinasimulan kahapon na pinangunahan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at iba’t ibang sektor ng paÂÂmahalaan at lipunan na ang layunin ay bumuo ng pangÂÂmatagalang soÂlusyon sa lumalalang problema sa tubig at pagbaha sa Laguna de bay Region (LdBR) at sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Adviser for Environmental Protection at LLDA General Manager Sec. Nereus “Neric†O. Acosta, kinakailangang ang pakikiisa ng lahat sa pagbuo ng viable at long-term solutions sa problema hinggil sa suplay ng tubig at mga pagbaha sa maraming lugar sa bansa.
Ang dalawang araw na summit na may titulong ‘The Laguna Lake Water and Flood Management Imperative’ ay may layuning pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders ng LdBR o lahat ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar, na may kinalaman sa isyu, upang talakayin ang ‘integrated approaches’ sa water at flood management sa Laguna Lake.
Ang summit ay may temang ‘Towards the Sustainable Resiliency and Adaptive Development of the Laguna Lake Basin’.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang sector tulad ng industry owners, business leaders, pollution control practitioners, LGUs, policy makers, civil society, academe, peoples’ orgaÂnizations, community representatives, mangingisda, magsasaka at mga negosyante.
Ang summit ay kaugnay ng ecological action ng LLDA at ni Acosta sa “tuwid na daan sa luntiang paraan†bilang bahagi ng isinusulong na pagbabago ng pamahalaang Aquino.