Hindi sinagot ang 142 missed call, nagbigti

MANILA, Philippines -Sa sobrang inis at ga­lit ng isang mis­ter sa kanyang mi­sis matapos na hindi sinasa­got ang kanyang tawag sa cell phone na uma­bot sa 142 missed call ay naga­wa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan ng pag­bibigti kamakalawa sa  Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.

Wala ng buhay nang ma­tagpuang nakabigti gamit ang kadena ng aso ang biktimang si Ruel Mag­no, 29, residente ng nasabing lugar. 

Bago natagpuan ang nakabigting katawan ng biktima dakong alas-12:20 ng tanghali sa kisame ng bahay nito ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang misis na si Mary Ann Bawag.

Kaya naman ay naki­pag-inuman ang biktima dakong alas-2:00 ng mada­ling-araw sa mga kaibigan na sina Roy Ambion at Francisco Medrano at Vergel Borromeo na inabot hanggang alas 8:00 ng umaga ang inuman.

Habang nakikipag-inu­­man ay naisipan ng bik­tima hiramin ang cell phone ni Borromeo, kaibigan upang tawagan si Mary Ann.

Paulit-ulit umano na tinawagan ng biktima ang misis, subalit ni isang beses ay hindi sinagot ng ba­bae.

Hindi tumigil sa pagtawag ang biktima kay Mary Ann na kung saan ay umabot sa 142 beses ang missed call.

Sa inis ng biktima ay nagpasya itong umuwi  at doon umano isagawa ang pagbibigti.

Inamin ng ama na may tampuhan ang anak at ka-live in nito na posibleng nagtulak  para ito ay mag­pakamatay matapos na hindi sinagot ang 142 missed call nito.

Show comments