Trak hulog sa bangin: 2 UTas, 4 sugatan

MANILA, Philippines - Malulubhang sugat sa katawan ang naging dahilan ng kamatayan nina Ramon Denoy at Roel Andarada habang nasugatan sina Edgar Condino, Albert Gonza­les, Jimmy Decara at isang tinukoy lamang sa alyas na Johnson matapos ang sinasakyan nilang trak ay nahulog sa bangin sa bulubunduking highway ng Brgy. Parallan, Maayon, Capiz kamakalawa.

Sa imbestigasyon, bandang alas-10:40 ng umaga habang bumabagtas ang Isuzu truck (FCB 812) na minamaneho ni Andy Amorado ang matarik na bahagi ng highway bunsod nang masiraan ng makina na naging dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at tuluy-tuloy na mahulog sa bangin ang trak.

 

Show comments