MANILA, Philippines - Isang araw matapos na ideklara noong Sabado na tapos na ang ika-20 araw ng Zamboaga siege nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at ng palasyo ng Malacañang muli na naman nagkaroon nang bakbakan na ikinasawi ng 8 pang miÂyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur MiÂsuari faction matapos manlaban habang isa naman ang nasakote sa patuloy na clearing opeÂrations sa Zamboanga City kamakalawa.
Inihayag ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Ramon Zagala, ang walo pang karagdagang napatay na MNLF sa isinagawang clearing operations sa Brgy. Sta. Barbara na naging sentro ng bakbakan nitong mga nakalipas na araw.
Bandang alas-6:00 ng umaga nang makipagbaÂrilan sa security forces ang anim na MNLF fighters na nagtatago sa lugar na nagresulta sa pagkakapaslang sa mga ito.
Nilinaw naman ng opisyal na kung mayroon mang putukan ay konti na lamang ito na hindi kasingtindi ng mga naunang bakbakan kung saan hinihikayat nitong sumuko na lamang ang nalalabi pang maliit na bilang ng MNLF fighters sa halip na makipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.
Pasado alas-5:00 naÂman ng hapon nang maÂpaslang ang dalawa pang MNLF fighters na nagÂsiÂsiÂtakas matapos na makiÂpagbarilan sa mga sundalo habang isa pa ang nasakote sa Brgy. Sta. Barbara.
Kaugnay nito, inihaÂyag naman ng opisyal na wala munang pull-out sa tropa ng mga sundalo sa Zamboanga City kaugnay ng isinasagawang clearing operations sa ‘constricted area’ sa Brgy. Sta. Barbara at Sta Catalina.