Pnoy natuwa sa panalo ni Megan

MANILA, Philippines - Natuwa ang Pangulong Benigno Aquino III sa pagkakapanalo ni Megan Young na tinanghal na kauna-unahang Filipina na nagwagi ng 2013 Miss World title na ginanap kamakalawa ng gabi sa Bali, Indonesia.

Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, nais ipaabot ni Pangulong Aquino kay Miss Young ang pagbati nito dahil sa karangalang ibinigay sa bansa matapos siyang tanghaling Miss World.

Si Young ang kauna-unahang Filipina na nasungkit ang titulo ng Miss World dahil ang pinakamataas na nakamit ng Pilipinas sa Miss world competition ay 1st runner up noong 1973 na nasungkit ni Evangeline Pascua.

Noong 2011 ang panla­ban ng Pilipinas na si Gwendolyn Ramos Ruais ay tinanghal din 1st runner up Asia and Oceania Continental Queen habang noong 2012 ay nakasama lamang sa top 15 ang panlaban ng Pilipinas sa Miss World na si Queenierich Rehman.

 

Show comments