Ginang dedo sa ‘killer highway’

MANILA, Philippines - Isang 44-anyos na ginang ang nasawi matapos na ito ay masalpok ng bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City na tinaguriang “killer highway” kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Merly Garanto, 44, may-asawa ng no. 0395 Water hole A, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ang driver ng bus ay nakilalang si Jovan Corpuz, 29, ng Block 13, Lot 7, Hacci Calamansian, Caloocan City.

Batay sa ulat, ganap na alas-5:10 ng umaga ay binabaybay ng Fermina Express bus (UWD-682) na minamaneho ni Corpuz ang naturang kalye at pagsapit sa Don Fabian St., ay nahagip nito ang papatawid na biktima.

 

Show comments