MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na ang pumatay sa isang maglive-in na kapwa negosyante ay kanilang bisita dahil sa walang nakitang forcible entry sa inuupahan nilang kuwarto sa Sampaloc, Maynila.
Ang bangkay ng mag-live-in na kapwa nasa state of decomposition ay kinilalang sina Donald Victorino, 45, biyudo, tubong Banangan, Benguet at Jenny Beth Bayeng, 35, ng San Carlos Heights, Baguio City kapwa naninirahan sa Atty. Ortiz Apartment sa no. 732-G Carola St., Sampaloc, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng mag-live-in na kapwa nakatali ang dalawang kamay at dalawang paa na kung saan ay nakabalot ng packaging tape ang mga mukha.
Nabatid na bago naÂtagpuang patay ang mag-live-in ay napansin ng isang brgy. ex officer na si Jun Heres, na dakong ala-1:00 ng madaÂling-araw noong Setyembre 24 na nag-aaway ang isang babae at lalaki sa inuupahan at hindi umano niya ito pinansin dahil sa pag-aakalang away mag-asawa lamang.
Bago madiskubre ang krimen ay tumatawag ang ilan sa mga trabahador sa cell phone ng mga biktima at dahil hindi makontak ay tinawagan ng mga trabahador ang kaibigan ni Victorino na si Flor Mendoza na puntahan ang bahay.
Nang katukin ni MenÂÂdoza ang pintuan ay walang sumasagot kung kaya’t napilitan na gamitin ng duplicate key at sa pagbukas ng pinto ay nakita niya ang duguang bangkay ni Bayeng habang sa master’s bedroom naman si Victorino.