MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang Koreano makaraang tumalon umano buhat sa ika-11 palapag ng isang condominium building sa Makati City kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakiÂlalang si Kim Fu-Jin, nasa hustong gulang at naninirahan sa Citadel Inn Makati na nasa P. Burgos Street, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.
Napag-alaman na may kapansanan sa pag-iisip na “cerebral palsy†ang biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa naturang gusali. Nagulat na lamang ang mga residente ng natuÂrang lugar nang biglang lumagabog sa labas sa unang palapag hanggang sa matagpuan ang duguang katawan ng biktima.
Nabatid na nagtungo sa naturang gusali ang biktima kasama ang kaibigang Koreano na hindi binanggit ang pangalan upang dalawin ang ama niyang naninirahan sa naÂturang condominium.
Nagulat na lamang ang kaibigang Koreano ng biktima nang biglang tumalon ito nang sumapit sila sa ika-11 palapag.
Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman ang pagpapakamatay ng dayuhan sa taglay nitong kapansanan. Biniberepika rin kung may kinalaman ang pagtalon sa sinasabing naging problema ng biktima sa isang kasintahan na Pilipina.