Misis ginulpi, pinutulan ng kamay nI mister

MANILA, Philippines -Isang 26-anyos na misis ang ginulpi at pagkatapos ay pinutulan ng kanang kamay ng kanyang mister habang sila ay nagtatalo kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Carlos, Sta. Marcela, Apayao.

Ang biktima na nagpapagaling sa pagamutan ay itinago sa pangalang Haidee. Habang ang suspek na agad nadakip ay kinilalang si Dominic Assistin Pugal, 38, magsasaka, residente sa lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na kung saan ay ginulpi ng lalaki ang misis.

Sa kagustuhang makaganti ang misis ay kinuha nito ang isang karit, subalit naagaw ito ng suspek at agad na pinutol ang kanang kamay nito.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang na­sabing mister.

Show comments