MANILA, Philippine s- Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa katao ang nasawi sa paglabas sa bansa ng bagyong ‘Odette’.
Kinilala ang mga nasaÂwi na sina Alejandro Abalos, 50-anyos at April Kim MaÂnuel, 20 habang patuloy pa ang paghahanap sa dalawa pang nawawala na sina EleÂnita Abalos, 52, at Suzette Abalos, 28 na pawang residente ng Aurora province.
Ayon sa NDRRMC, tumaob ang sinasakyang motor bangka na M/V Mikee Rose 1 ng mga biktima na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa at nawawala pa ang dalawa nilang kasama.
Umabot naman sa 4,191 pamilya o 19,778 katao ang naapektuhan ng bagyo sa region 1,2,3,4-B, and CAR. May kabuuang 96 na kabahayan ang nasira sa Regions 1, 2 at CAR.
Ang mga kalsada sa Regions 2 kabilang ang Isabela; Sta. Maria-Cabagan; Tuguegarao City; TeresiÂta Avenue-Cataggaman ay hindi pa rin nadadaanan sanhi ng pag-apaw ng ilog. Habang sa Apayao ProÂvince; Claveria-Calanasan Road, Carmela section ay hindi madaanan sanhi ng pagguho ng lupa; Kalinga Province; Kalinga-Abra Road; Talalang; Balbalan at Comyas ay hindi na rin madaanan dahil sa patuloy na clearing operations, gayundin sa Benguet Province, Acop-Kabanga-Kipungan-Bacon road.
Sa Region 6, may 13 paÂÂmilya o 65 indibdwal ang naapektuhan ng buhawi.